Sunday, September 28, 2014

Kaibigan at ka-ibigan tampuhan.

Sa panghihimasok ng iba, galit ang nasa puso mo talaga. Sa pagdaan ng maraming panahon, doon mo makikita kung sino at anu ang ugali ng nasa paligid mo. Ang kaibigan ang isa sa magandang karamay mo sa lungkot at ligaya. Masaya kasama ang mga kaibigan pero masaya parin ba kong may galit ang kaibigan mo sa taong mahal mo? at ang taong mahal mo may galit rin sa kaibigan mo. Saan mo ba ilulugar ang sarili mo? Sa kasintahan mo o sa kaibigan mo? Pareho kong mahal ang GF at kaibigan ko. Pero dahil sa panghihimasok ng kaibigan ko, galit ang nasa damdamin ng kasintahan ko. Hindi naman masama ang pagsabi ng katotohanan ng kaibigan ko sa gf ko. Ang katutuhanang din yun ang daan para maiwasan ang pananakit ng kasintahan ko sa sarili ko. Pero may pagbabago kaya? Makikita at malalaman ko lang rin nyan sa mga panahong lilipas. Pero si kasintahan naman ay galit dahil sa ginawa ni kaibigan. Yung tipong hindi na magpatawad. Sa dalawang mahal mo sa buhay, may galit man sa isa't-isa pero ramdam ko naman na may posibilidad pa na magkaayos silang dalawa. Hindi nga lang sa araw na ito pero maaari ring bukas o sa makalawa.

Everyday is a friendship day for us... 

Monday, September 22, 2014

Paano mahahati ang oras?


Kumusta mga kaibigan? Heto na naman ako, magsusulat nang kung anu-ano. Kayo na lang kakausapin ko, naguguluhan kasi ako. Hehe. Una sa lahat, paano mo ba mahahati ang oras mo sa kaibigan na matagal mo ng nakasama o sa kasintahang kailan mo lang nakilala? Mahirap hatiin ang oras mo sa panahong gusto mong makasama ang kaibgan mong nawala sa mahabang panahon. Gusto mo mang makasama ang kaibigan mo pero nandiyan naman si GF na pinagbabawalan kang umuwi sainyo nang makasama ang kaibigan mo. Ang kaibigan kong yon ang tinuturing kong kapatid simula noon. Kapatid kong nagtutulungan sa oras ng pangangailangan. Kapatid ko sa lahat ng galaan at sa inuman. Kapatid ko sa kapatiran. Kapatid sa lahat ng bagay. Matagal din siyang nawala at hindi na kami nagkikita simula ng pumunta siya sa Manila. Ngayong pauwi na siya sa kinagisnan naming bayan, pahuhuli pa ba ako para makasama naman siya? Sa palagay ko, sa panahon ngayong my girlfriend na ako, na nagbabawal sa pag uwi ko na makasama ang kaibigan ko. Susunod na lang ako sa kasintahan ko. I love my girlfriend more than my friends. Hindi naman sa tagal ng pagkakakilala mo sa isang tao naaayon ang disisyon mo sa buhay. Kung saan ka sasama, kung saan ka masaya. Alam kong masaya kasama ang barkada pero mas masarap kasama ang kasintahan na nagbabawal sa anu man ang lakad mo. Ngayon? paano mo mahahati ang oras mo?


Parang may kulang ano??? Hindi ko alam. Oh sige, nawalan na ako sa concentration mag sulat. Hanggang sa susunod na namang kabanata. Magtrabaho muna ako baka makakaisip naman ako ng maidagdag ko sa "Paano mahahati ang oras?"

Wednesday, September 10, 2014

Kaya pa kaya?


Minsan nakakapagod ng magmahal sa isang babae. Nakakapagod kapag hindi niya sinusuklian ang panunuyo mo sakanya ng kabutihan, yung tipong aawayin ka lang ng awayin. Nakakapagod kapag inaaway ka na lang lagi. Sa kabila ng lahat ng ginagawa mong paraan para magkaayos kayo, siya naman tong magmamatigas na para bang walang kapatawaran ang lahat ng nagawa mo. Nakakapagod sa tuwing maayos na ang lahat saka naman nya sabihin lahat ng kamalian mo, yun bang, naiinis ka ng umintindi sakanya. Gayun pa man, hindi lahat ng oras maganda ang takbo ng buhay. Ganun lang siguro pag nagmahal ka. Hindi ka matuto kong hindi mo susubukang ipaglaban siya. Maraming paraan para magkaayos kayong dalawa kahit na ang isa lang dun ay laging may ginagawang kamalian sa buhay. Gaya ng pagseselos nalang nya sa iba.Pero naiintindihan ko naman kung bakit. Kasalanan na ng mga lalaki kung magpapaagaw siya sa iba. Pero kung ikaw parin ang pipiliin nya. Magpasalamat ka, kasi ikaw parin ang babaeng para sakanya. Hindi ka nya isusuko kasi alam nyang ikaw ang mahal nya. Dun palang, malaki na ang lamang mo sa iba. Oo, life is unfair. Pero hindi ba’t tayo lang naman din ang gumagawa ng rason para hindi maging patas ito para sa atin. If you have something inside na nagiging burden para sa’yo, letting it out is the best way para kahit papaano makahinga ka freely. Kaya nga lang minsan, it doesn’t apply to all. Loving someone is one of the best feelings in the world and it’s free. Pwede mong gawin as long as you want it. Kaya lang, kapag naipon, kapag napuno, hindi ba’t gusto mo ring ilabas? Ilabas ang sama ng loob. Para mawala ang lahat ng galit mo. Mahirap pag dinidibdib mo ang lahat may paraan para makahinga ka at para maayos ang ano mang problema nyong dalawa. Hindi naman talaga nakakapagod ang magmahal. Ang nakakapagod lang ang lumaban para sa pagmamahal. Ngayon, gusto mo pa rin bang magmahal? Gusto mo pa rin bang masaktan, mag effort, mag explain, magtiis, umintindi? Kung ako ang tatanungin niyo, oo naman, magmahal at magkakagusto pa rin ako. Handa kong magtiis para sa ikaliligaya ko. Handa akong umintindi sa lahat ng sitwasyong dadaanan ko. Isipin niyo na lang, parte ‘yon talaga ng cycle, ng process, ng phase, dadaan at dadaan ka pa rin sa puntong ‘yon kahit ano pang pag-iwas ang gawin mo. Masarap magmahal lalo na kong masarap din ang minamahal mo, Joke lang... Take 2! Masarap magmahal lalo na kong mahal ka rin ng taong mahal mo.