I have a strong awareness of my own feeling as well as those of others. Friendships, affection, and love are extremely important.
Monday, April 07, 2014
Back to Reality!
Sa paglipas ng panahon, maraming tao ang darating sa ating buhay. Hindi natin alam kung ito ba ay magtatagal o panandalian lamang. Sa araw-araw ng pagsasama, nakakagawa kayo ng magandang ala-ala. Di man laging masaya, meron rin namang lungkot na madarama. Basta ang mahalaga iniingatan natin ang pinagsamahan sa kukunting panahong kayo ay nagkasama. May mga bagay talaga na dapat nating tangapin na di na maibabalik pa ang dating samahan. Dahil sa mga nakakasakit na salita na ating binitawan, maglalaho ang samahan ng di inaasahan. Akala ko dati magkasintahan lang ang may hiwalayan pate rin pala sa pagkakaibigan. Nasasaktan ako sa mga panahong hindi mo tangapin ang paghingi ko ng tawad sa'yo. Oo, aaminin ko, nasaktan kita, sabi mo pa nga damage has been done, ayaw kong manatili na lamang tayo sa kamaliang nagawa ko. Ang hiling ko lang naman sa'yo ang makausap ka at magkaayos tayo. Hindi ko alam kung paano ko maipakita sa'yo na pinagsisisihan ko na lahat ng nagawa ko kung hindi mo ako bigyan ng oras na mag-usap tayo. I always got this weird feeling pag hindi tayo okay. Hindi man tayo pero never mo naman siguro naramdaman na wala yung love di ba? Pero alam mo pag di tayo maayos? Mas ramdam kong mahal kita, ung tipong walang tayo pero takot na takot akong mawala ka. Marahil sa tamang oras at panahon kaya mo na akong patawarin kahit gaanu pa katagal ang hintayin ko mapatawad mo lang ako, masaya na ako. Hayaan ko muna humupa ang mga sakit na nagawa ko sayo. Hihilom din ang sugat sa tamang panahon, may maiiwan man na scars, darating din na pag naalala mo, wala na ang sakit na naidulot ko.
Subscribe to:
Posts (Atom)