Walang mangyayari kapag wala kang pera. Sa pang araw-araw na buhay, kailangan mo talaga ng pera upang magawa mo ang gusto mong gawin. Ang pera ang siyang mahalagang bagay sa mundo. Ito ang pangunahing bagay para mabuhay ka, pambili ng pagkain, damit, edukasyon, pamamahay at marami pang iba. Kung wala ka nito, maaaring hindi ka mabubuhay sa mundo. Maraming nagagawa ang pera para sa isang tao. Pero paano naman kaya natin makukuha ang pera? hold-up? magnakaw? magsugal? hindi dapat pinapairal ang masamang bagay para lang magka pera. Ang pera ay pinaghihirapan sa mabuting paraan. Hindi ba't mas masarap gastusin ang perang alam mong sa sarili mong pawis ginugol ang pagkakaroon ng pera. Yun bang, pinagtrabahuan mo sa marangal na pamamaraan. Pero paanu naman kong, wala ka na talagang perang magagasta at ang sahod mo pa ay sa makalawa. Hindi ba't mahirap ng maghintay sa matagal pang araw upang magkaroon ng pera. Mahirap at nakakahiyang umutang sa mga tao. Pero wala tayong ibang choice kung hindi pakapalan ang mukha para makahiram ng pera sa iba upang ikaw ay makakain sa pang araw-araw. Mahirap kasi ang mag budget sa kakarampot na sahod para sa pangangailangan araw-araw. Napakahirap mag ipon at magtipid lalo na't wala kang katuwang, malayo ang pamilya, sa kaibigan na lang umaasa. Ang dalangin ko na lang sa Panginoong Diyos na makakaahon din ako sa hirap na tinatahak ko ngayon. Balang araw, makakamit ko rin ang gusto ko para sa buhay ko at para sa family ko. Magtiis at magtipid para sa ikauunlad ng buhay ko.