Sunday, March 13, 2016

Ang Mabagal na Internet Connection.

Marahil lahat na ng tao gumagamit na ng internet para mapadali ang komyunikasyon, agad na makakuha ng impormasyon, ang internet din ang pinagkukunan ng pamumuhay ng ibang tao. Kung may internet, possible ang lahat ng bagay. Ang bagay na to ang nagsisilbing importanteng meron sa isang tao. Marami na satin ang naghahangad na sana kahit saan ka magpunta my internet na: sa paaralan, park, mall, opisina at iba pang lugar. Isa rin itong imporatanting bagay para sa isang kompanya lalo na’t BPO Company. Paano kung walang internet o di kaya’y mahina ang internet? Malaki ba ang epekto nito sa kompanyang pinapasukan mo? O nakakaapekto rin ba ito sa task mo? Para sa mga client mo, ano kaya ang epekto nito sakanila?


Kung walang internet o mahina ang internet ng isang kompanya, malaki ang epekto nito para sa mga emplyado at kleyente mo. Una, kung walang internet o mahina man ito. Sa mga emplyado, hindi nila magawa ng maayos ang mga task na ginagawa nila. Hindi progresibo, walang magandang kinalalabasan na trabaho at maaapektuhan talaga ang task mo. Kung walang quality of work dahil sa mabagal o walang internet ay malaki rin ang epekto nito para sa client mo. Intindihin nyo, ang client ang nagbibigay ng malaking contribution para sa kompanya nyo. Kung ang emplyado naapektuhan ang trabaho nya, maaaring ang klayente ay hindi satisfied sa quality of work na gusto nyang gawin ng emplayado ng isang kompanya. Kayo? Anong gusto nyo? Mawalan kayo ng client o ayusin o ipapaayos nyo nalang ang internet connections nyo? BPO company nga namang tinuringan, pero ang service ng internet connection mas mabagal pa sa takbo ng pagong.