I wonder why they always like to leave a bomb in my hometown?
Ang pangyayaring ito ay nagdudulot ng hindi magandang imahe para sa bayan kong sinilangan. Ito na ang nakagisnan ko simula pa ng bata ako, bomba dito bomba doon. Sa tuwing may balitang pagsabog akoy nababahala sapagkat may mga sibilyan na namang madadamay sa kagagawan ng walang kwentang mga tao. Sa bawat pagsabog, nagdudulot ng takot sa mga taong nakatira dito. Iispin mo na lang na hindi safe sa bayan ko pero yun naman ang totoo. Ano kaya ang meron sa hometown ko bakit palagi na lang may pinapasabog na bomba dito. Ganyan ba kapag sikat o umuunlad ang isang bayan kaya pilit sinisiraan. Pero kahit anu man ang dahilan ng mga maling kagagawan ng mga gagong ito dapat tayo ay maging mapanuri, mapagmatyag, mapangahas, (matanglawin) para hindi matuloy ang masamang balakin ng mga putang inang tao nah yan. Kahit anu pa man ang mangyari sa bayan na kinalakihan ko, ipagpatuloy parin nating gawin at pagbutihing gawin ang temang "Unlad Kabacan"
No comments:
Post a Comment