Kaya pa kaya?
Minsan nakakapagod ng magmahal sa isang babae. Nakakapagod kapag hindi niya sinusuklian ang panunuyo mo sakanya ng kabutihan, yung tipong aawayin ka lang ng awayin. Nakakapagod kapag inaaway ka na lang lagi. Sa kabila ng lahat ng ginagawa mong paraan para magkaayos kayo, siya naman tong magmamatigas na para bang walang kapatawaran ang lahat ng nagawa mo. Nakakapagod sa tuwing maayos na ang lahat saka naman nya sabihin lahat ng kamalian mo, yun bang, naiinis ka ng umintindi sakanya. Gayun pa man, hindi lahat ng oras maganda ang takbo ng buhay. Ganun lang siguro pag nagmahal ka. Hindi ka matuto kong hindi mo susubukang ipaglaban siya. Maraming paraan para magkaayos kayong dalawa kahit na ang isa lang dun ay laging may ginagawang kamalian sa buhay. Gaya ng pagseselos nalang nya sa iba.Pero naiintindihan ko naman kung bakit. Kasalanan na ng mga lalaki kung magpapaagaw siya sa iba. Pero kung ikaw parin ang pipiliin nya. Magpasalamat ka, kasi ikaw parin ang babaeng para sakanya. Hindi ka nya isusuko kasi alam nyang ikaw ang mahal nya. Dun palang, malaki na ang lamang mo sa iba. Oo, life is unfair. Pero hindi ba’t tayo lang naman din ang gumagawa ng rason para hindi maging patas ito para sa atin. If you have something inside na nagiging burden para sa’yo, letting it out is the best way para kahit papaano makahinga ka freely. Kaya nga lang minsan, it doesn’t apply to all. Loving someone is one of the best feelings in the world and it’s free. Pwede mong gawin as long as you want it. Kaya lang, kapag naipon, kapag napuno, hindi ba’t gusto mo ring ilabas? Ilabas ang sama ng loob. Para mawala ang lahat ng galit mo. Mahirap pag dinidibdib mo ang lahat may paraan para makahinga ka at para maayos ang ano mang problema nyong dalawa. Hindi naman talaga nakakapagod ang magmahal. Ang nakakapagod lang ang lumaban para sa pagmamahal. Ngayon, gusto mo pa rin bang magmahal? Gusto mo pa rin bang masaktan, mag effort, mag explain, magtiis, umintindi? Kung ako ang tatanungin niyo, oo naman, magmahal at magkakagusto pa rin ako. Handa kong magtiis para sa ikaliligaya ko. Handa akong umintindi sa lahat ng sitwasyong dadaanan ko. Isipin niyo na lang, parte ‘yon talaga ng cycle, ng process, ng phase, dadaan at dadaan ka pa rin sa puntong ‘yon kahit ano pang pag-iwas ang gawin mo. Masarap magmahal lalo na kong masarap din ang minamahal mo, Joke lang... Take 2! Masarap magmahal lalo na kong mahal ka rin ng taong mahal mo.
No comments:
Post a Comment