Kumusta mga kaibigan? Heto na naman ako, magsusulat nang kung anu-ano. Kayo na lang kakausapin ko, naguguluhan kasi ako. Hehe. Una sa lahat, paano mo ba mahahati ang oras mo sa kaibigan na matagal mo ng nakasama o sa kasintahang kailan mo lang nakilala? Mahirap hatiin ang oras mo sa panahong gusto mong makasama ang kaibgan mong nawala sa mahabang panahon. Gusto mo mang makasama ang kaibigan mo pero nandiyan naman si GF na pinagbabawalan kang umuwi sainyo nang makasama ang kaibigan mo. Ang kaibigan kong yon ang tinuturing kong kapatid simula noon. Kapatid kong nagtutulungan sa oras ng pangangailangan. Kapatid ko sa lahat ng galaan at sa inuman. Kapatid ko sa kapatiran. Kapatid sa lahat ng bagay. Matagal din siyang nawala at hindi na kami nagkikita simula ng pumunta siya sa Manila. Ngayong pauwi na siya sa kinagisnan naming bayan, pahuhuli pa ba ako para makasama naman siya? Sa palagay ko, sa panahon ngayong my girlfriend na ako, na nagbabawal sa pag uwi ko na makasama ang kaibigan ko. Susunod na lang ako sa kasintahan ko. I love my girlfriend more than my friends. Hindi naman sa tagal ng pagkakakilala mo sa isang tao naaayon ang disisyon mo sa buhay. Kung saan ka sasama, kung saan ka masaya. Alam kong masaya kasama ang barkada pero mas masarap kasama ang kasintahan na nagbabawal sa anu man ang lakad mo. Ngayon? paano mo mahahati ang oras mo?
Parang may kulang ano??? Hindi ko alam. Oh sige, nawalan na ako sa concentration mag sulat. Hanggang sa susunod na namang kabanata. Magtrabaho muna ako baka makakaisip naman ako ng maidagdag ko sa "Paano mahahati ang oras?"
No comments:
Post a Comment