I have a strong awareness of my own feeling as well as those of others. Friendships, affection, and love are extremely important.
Tuesday, November 18, 2014
Happy 55th Foundation Anniversary Gammakins
Alpha Kappa Gamma also know as Gammakins is an International collegiate fraternity and sorority service founded on 1921 in England and was brought in the Philippines on December 28, 1959. It has chapters in universities, colleges and campuses all over the Philippines.
Sunday, November 16, 2014
Ito ang Bayan ko!
I wonder why they always like to leave a bomb in my hometown?
Ang pangyayaring ito ay nagdudulot ng hindi magandang imahe para sa bayan kong sinilangan. Ito na ang nakagisnan ko simula pa ng bata ako, bomba dito bomba doon. Sa tuwing may balitang pagsabog akoy nababahala sapagkat may mga sibilyan na namang madadamay sa kagagawan ng walang kwentang mga tao. Sa bawat pagsabog, nagdudulot ng takot sa mga taong nakatira dito. Iispin mo na lang na hindi safe sa bayan ko pero yun naman ang totoo. Ano kaya ang meron sa hometown ko bakit palagi na lang may pinapasabog na bomba dito. Ganyan ba kapag sikat o umuunlad ang isang bayan kaya pilit sinisiraan. Pero kahit anu man ang dahilan ng mga maling kagagawan ng mga gagong ito dapat tayo ay maging mapanuri, mapagmatyag, mapangahas, (matanglawin) para hindi matuloy ang masamang balakin ng mga putang inang tao nah yan. Kahit anu pa man ang mangyari sa bayan na kinalakihan ko, ipagpatuloy parin nating gawin at pagbutihing gawin ang temang "Unlad Kabacan"
Friday, November 14, 2014
Happy Monthsary my Girlfriend 11/14/2014
I know for a very short time, we have so many stuff in life that we don’t really understand, for the fact that we never get along together. We have so many discrepancies, so many hesitations, questions and doubt not only for our relationship, but as well as within our self. but no matter what it takes, for this short period of time, i learned to love you so deep, learned to forgive you when you crashed my heart, learned to accept what you’d done, learned to dream about future with you, learned to sacrifice my pride, learned to smile when I’m sad, to sleep with sadness in my heart and hope that tomorrow everything’s will be alright. To pray that you will not gonna say goodbye. To hope that whatever argument were having, you’re still there, holding on. To wish the impossible thing in life, i learned to feel the true love. but all of those, i never learned how to love you less in every waking day of my life. Thank you so much my Princess Ferlyn for letting me feel those kinds. Happy Monthsary and wish us both a happy life and strong relationship together and more months and years to come with fulfillment and harmony together. I love you so much and will love you more in every waking day of my life and i am so sorry for all those hurts and disappointments I’d done and thank you so much for everything my beloved. I love you always.
Tuesday, October 21, 2014
Pera ang Bumubuhay sa Tao.
Walang mangyayari kapag wala kang pera. Sa pang araw-araw na buhay, kailangan mo talaga ng pera upang magawa mo ang gusto mong gawin. Ang pera ang siyang mahalagang bagay sa mundo. Ito ang pangunahing bagay para mabuhay ka, pambili ng pagkain, damit, edukasyon, pamamahay at marami pang iba. Kung wala ka nito, maaaring hindi ka mabubuhay sa mundo. Maraming nagagawa ang pera para sa isang tao. Pero paano naman kaya natin makukuha ang pera? hold-up? magnakaw? magsugal? hindi dapat pinapairal ang masamang bagay para lang magka pera. Ang pera ay pinaghihirapan sa mabuting paraan. Hindi ba't mas masarap gastusin ang perang alam mong sa sarili mong pawis ginugol ang pagkakaroon ng pera. Yun bang, pinagtrabahuan mo sa marangal na pamamaraan. Pero paanu naman kong, wala ka na talagang perang magagasta at ang sahod mo pa ay sa makalawa. Hindi ba't mahirap ng maghintay sa matagal pang araw upang magkaroon ng pera. Mahirap at nakakahiyang umutang sa mga tao. Pero wala tayong ibang choice kung hindi pakapalan ang mukha para makahiram ng pera sa iba upang ikaw ay makakain sa pang araw-araw. Mahirap kasi ang mag budget sa kakarampot na sahod para sa pangangailangan araw-araw. Napakahirap mag ipon at magtipid lalo na't wala kang katuwang, malayo ang pamilya, sa kaibigan na lang umaasa. Ang dalangin ko na lang sa Panginoong Diyos na makakaahon din ako sa hirap na tinatahak ko ngayon. Balang araw, makakamit ko rin ang gusto ko para sa buhay ko at para sa family ko. Magtiis at magtipid para sa ikauunlad ng buhay ko.
Sunday, September 28, 2014
Kaibigan at ka-ibigan tampuhan.
Sa panghihimasok ng iba, galit ang nasa puso mo talaga. Sa pagdaan ng maraming panahon, doon mo makikita kung sino at anu ang ugali ng nasa paligid mo. Ang kaibigan ang isa sa magandang karamay mo sa lungkot at ligaya. Masaya kasama ang mga kaibigan pero masaya parin ba kong may galit ang kaibigan mo sa taong mahal mo? at ang taong mahal mo may galit rin sa kaibigan mo. Saan mo ba ilulugar ang sarili mo? Sa kasintahan mo o sa kaibigan mo? Pareho kong mahal ang GF at kaibigan ko. Pero dahil sa panghihimasok ng kaibigan ko, galit ang nasa damdamin ng kasintahan ko. Hindi naman masama ang pagsabi ng katotohanan ng kaibigan ko sa gf ko. Ang katutuhanang din yun ang daan para maiwasan ang pananakit ng kasintahan ko sa sarili ko. Pero may pagbabago kaya? Makikita at malalaman ko lang rin nyan sa mga panahong lilipas. Pero si kasintahan naman ay galit dahil sa ginawa ni kaibigan. Yung tipong hindi na magpatawad. Sa dalawang mahal mo sa buhay, may galit man sa isa't-isa pero ramdam ko naman na may posibilidad pa na magkaayos silang dalawa. Hindi nga lang sa araw na ito pero maaari ring bukas o sa makalawa.
Everyday is a friendship day for us...
Monday, September 22, 2014
Paano mahahati ang oras?
Kumusta mga kaibigan? Heto na naman ako, magsusulat nang kung anu-ano. Kayo na lang kakausapin ko, naguguluhan kasi ako. Hehe. Una sa lahat, paano mo ba mahahati ang oras mo sa kaibigan na matagal mo ng nakasama o sa kasintahang kailan mo lang nakilala? Mahirap hatiin ang oras mo sa panahong gusto mong makasama ang kaibgan mong nawala sa mahabang panahon. Gusto mo mang makasama ang kaibigan mo pero nandiyan naman si GF na pinagbabawalan kang umuwi sainyo nang makasama ang kaibigan mo. Ang kaibigan kong yon ang tinuturing kong kapatid simula noon. Kapatid kong nagtutulungan sa oras ng pangangailangan. Kapatid ko sa lahat ng galaan at sa inuman. Kapatid ko sa kapatiran. Kapatid sa lahat ng bagay. Matagal din siyang nawala at hindi na kami nagkikita simula ng pumunta siya sa Manila. Ngayong pauwi na siya sa kinagisnan naming bayan, pahuhuli pa ba ako para makasama naman siya? Sa palagay ko, sa panahon ngayong my girlfriend na ako, na nagbabawal sa pag uwi ko na makasama ang kaibigan ko. Susunod na lang ako sa kasintahan ko. I love my girlfriend more than my friends. Hindi naman sa tagal ng pagkakakilala mo sa isang tao naaayon ang disisyon mo sa buhay. Kung saan ka sasama, kung saan ka masaya. Alam kong masaya kasama ang barkada pero mas masarap kasama ang kasintahan na nagbabawal sa anu man ang lakad mo. Ngayon? paano mo mahahati ang oras mo?
Parang may kulang ano??? Hindi ko alam. Oh sige, nawalan na ako sa concentration mag sulat. Hanggang sa susunod na namang kabanata. Magtrabaho muna ako baka makakaisip naman ako ng maidagdag ko sa "Paano mahahati ang oras?"
Wednesday, September 10, 2014
Kaya pa kaya?
Minsan nakakapagod ng magmahal sa isang babae. Nakakapagod kapag hindi niya sinusuklian ang panunuyo mo sakanya ng kabutihan, yung tipong aawayin ka lang ng awayin. Nakakapagod kapag inaaway ka na lang lagi. Sa kabila ng lahat ng ginagawa mong paraan para magkaayos kayo, siya naman tong magmamatigas na para bang walang kapatawaran ang lahat ng nagawa mo. Nakakapagod sa tuwing maayos na ang lahat saka naman nya sabihin lahat ng kamalian mo, yun bang, naiinis ka ng umintindi sakanya. Gayun pa man, hindi lahat ng oras maganda ang takbo ng buhay. Ganun lang siguro pag nagmahal ka. Hindi ka matuto kong hindi mo susubukang ipaglaban siya. Maraming paraan para magkaayos kayong dalawa kahit na ang isa lang dun ay laging may ginagawang kamalian sa buhay. Gaya ng pagseselos nalang nya sa iba.Pero naiintindihan ko naman kung bakit. Kasalanan na ng mga lalaki kung magpapaagaw siya sa iba. Pero kung ikaw parin ang pipiliin nya. Magpasalamat ka, kasi ikaw parin ang babaeng para sakanya. Hindi ka nya isusuko kasi alam nyang ikaw ang mahal nya. Dun palang, malaki na ang lamang mo sa iba. Oo, life is unfair. Pero hindi ba’t tayo lang naman din ang gumagawa ng rason para hindi maging patas ito para sa atin. If you have something inside na nagiging burden para sa’yo, letting it out is the best way para kahit papaano makahinga ka freely. Kaya nga lang minsan, it doesn’t apply to all. Loving someone is one of the best feelings in the world and it’s free. Pwede mong gawin as long as you want it. Kaya lang, kapag naipon, kapag napuno, hindi ba’t gusto mo ring ilabas? Ilabas ang sama ng loob. Para mawala ang lahat ng galit mo. Mahirap pag dinidibdib mo ang lahat may paraan para makahinga ka at para maayos ang ano mang problema nyong dalawa. Hindi naman talaga nakakapagod ang magmahal. Ang nakakapagod lang ang lumaban para sa pagmamahal. Ngayon, gusto mo pa rin bang magmahal? Gusto mo pa rin bang masaktan, mag effort, mag explain, magtiis, umintindi? Kung ako ang tatanungin niyo, oo naman, magmahal at magkakagusto pa rin ako. Handa kong magtiis para sa ikaliligaya ko. Handa akong umintindi sa lahat ng sitwasyong dadaanan ko. Isipin niyo na lang, parte ‘yon talaga ng cycle, ng process, ng phase, dadaan at dadaan ka pa rin sa puntong ‘yon kahit ano pang pag-iwas ang gawin mo. Masarap magmahal lalo na kong masarap din ang minamahal mo, Joke lang... Take 2! Masarap magmahal lalo na kong mahal ka rin ng taong mahal mo.
Monday, April 07, 2014
Back to Reality!
Sa paglipas ng panahon, maraming tao ang darating sa ating buhay. Hindi natin alam kung ito ba ay magtatagal o panandalian lamang. Sa araw-araw ng pagsasama, nakakagawa kayo ng magandang ala-ala. Di man laging masaya, meron rin namang lungkot na madarama. Basta ang mahalaga iniingatan natin ang pinagsamahan sa kukunting panahong kayo ay nagkasama. May mga bagay talaga na dapat nating tangapin na di na maibabalik pa ang dating samahan. Dahil sa mga nakakasakit na salita na ating binitawan, maglalaho ang samahan ng di inaasahan. Akala ko dati magkasintahan lang ang may hiwalayan pate rin pala sa pagkakaibigan. Nasasaktan ako sa mga panahong hindi mo tangapin ang paghingi ko ng tawad sa'yo. Oo, aaminin ko, nasaktan kita, sabi mo pa nga damage has been done, ayaw kong manatili na lamang tayo sa kamaliang nagawa ko. Ang hiling ko lang naman sa'yo ang makausap ka at magkaayos tayo. Hindi ko alam kung paano ko maipakita sa'yo na pinagsisisihan ko na lahat ng nagawa ko kung hindi mo ako bigyan ng oras na mag-usap tayo. I always got this weird feeling pag hindi tayo okay. Hindi man tayo pero never mo naman siguro naramdaman na wala yung love di ba? Pero alam mo pag di tayo maayos? Mas ramdam kong mahal kita, ung tipong walang tayo pero takot na takot akong mawala ka. Marahil sa tamang oras at panahon kaya mo na akong patawarin kahit gaanu pa katagal ang hintayin ko mapatawad mo lang ako, masaya na ako. Hayaan ko muna humupa ang mga sakit na nagawa ko sayo. Hihilom din ang sugat sa tamang panahon, may maiiwan man na scars, darating din na pag naalala mo, wala na ang sakit na naidulot ko.
Subscribe to:
Posts (Atom)