Tuesday, October 08, 2013

Lumuhod Man Ako Lyrics By: Zaito

Lumuhod Man Ako Lyrics
By: Zaito


...I Love You Nanay

Pinag sisisihan lahat ng aking kasalanan
Kung di mararanasan di pa mauunawaan
Ngayong natagpuan ko ang sagot sa katanungan
Mula nang bata pa laman na ng aking isipan

Ang bawat payo sa tuwing akoy pagsasabihan
Hindi pinapansin kahit alam na kabutihan
Nagsakripisyo ginawa lahat ng paraan
Upang mabigyan lang ng magandang kinabukasan

Halos gumapang sa hirap na nararanasan
Hirap na kahit minsan di man lang nasuklian
Siyam na buwan mong iningatan sayong sinapupunan
Nang mailuwal kahit lamok di marapuan

Sagana sa lahat damit, magandang laruan
Ngunit ng lumaki kung sumagot harap-harapan
At sumapit na nga ang puntong pagbibinata
Na tila hudyat sa pag-gawa ng masama

Nag umpisa ang lahat ng sinubukang magka syota
Si nanay kung utusan dinaig pa ang alila
Ganyan pag uugali sino bang matutuwa
Ang sarap ng buhay mo ang nanay mo nakaka-awa

Chorus:

Itim ang budhi ng taong di alam gumalang
Magawa ang gusto itataboy pati magulang
Mapapatawad pa ba? Ang sangkaterbang pagkukulang?
At kasalanan na halos di na rin mabilang

Itim ang budhi ng taong di alam gumalang
Magawa ang gusto itataboy pati magulang
Mapapatawad pa ba? Ang sangkaterbang pagkukulang?
At kasalanan na halos di na rin mabilang



Magagawang tiisin na maguton si nanay
Masunod mo lang ang nobya na lahat ibibigay
Pangyayaring kinagulat mo nang siyay humiwalay
Mundo moy parang sasabog halos magpakamatay

Naisipang tikman ang shabu at mariwana
Tuwang-tuwa naman mga demonyo mong barkada
Si inay di makatulog magdamag nag-alala
Uuwi ka ng umaga hihingi ka lang ng pera

Pag di ka nabigyan sa galit halos magwala ka
At sasabihin pa sayong ina na walang kwenta
Ang matindi pa tol talagang walang konsensya
Halos harap-harapan kung murahin ang ina

Nang ikaw ay lumayo ang iyong ina ay yumuko
Yakap ang larawan mot luha ay tumutulo
Ngunit may bagay na lingid sayong kaisipan
Ang yong ina pala may tinatagong karamdaman

Nang minsan pag uwi si nanay nasa higaan nangyari
Ang bagay di mo lubos inaasahan
Mata ni nanay pumikit ng dahan-dahan
Sabay hagulhol at ipinatong sa kandungan


Chorus:
Lumuhod man ako at maghapong umiyak
Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak
Kay hirap pala ang maulila kay inay
Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay

Lumuhod man ako at maghapong umiyak
Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak
Kay hirap pala ang maulila kay inay
Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay



Tuwing akoy nag iisa lagi ko siyang naalala
Takbo ng buhay tila nawalan na ng pag-asa
Parang di ko kaya ang mabuhay mag-isa
Hinahanap-hanap ko pa rin kalinga ng ina

Pero ngayong ikay wala na pano na ako inay
Sa bawat suliranin sino ang makakaramay
Saking buhay sino pa ang gagabay
At kailan muling madarama ang yakap mo inay

Sa bawat oras si nanay ang laman ng aking isip
Pag sapit ng gabi siya ang laman ng panaginip
Patawarin ako inay sa aking pagkukulang
Ang aking kasalanan pano ba pagdurusahan

Ang bigat sa dibdib pano ba mababawasan
Hindi na kaya ng nahihirapang kalooban
Lagi nalang akong binabalot ng kalungkutan
I Love You nanay hindi kita malilimutan


Chorus:

Lumuhod man ako at maghapong umiyak
Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak
Kay hirap pala ang maulila kay inay
Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay

Lumuhod man ako at maghapong umiyak
Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak
Kay hirap pala ang maulila kay inay
Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay


Lyrics arranged by Reynand Dulay Collado

Facebook: recco_91@yahoo.com 

https://www.facebook.com/princeofdarkness91

Twitter: @reyncollzkie

No comments:

Post a Comment